Cavite Gov Jonvic Remulla, DILG chief na?

MAS magiging maaga na ba ang deklarasyon na walang pasok sa mga eskwela ngayon na may bagong DILG chief na?

Sa Martes, pormal na manunumpa si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Interior and Local Government, ayon sa kapatid nitong si Justice Secretary Crispin Remulla.

Papalitan ni Jonvic ang nagbitiw na si Benhur Abalos matapos itong magsumite ng kanyang certificate of candidacy para kumandidato sa pagkasenador nitong Lunes, Okt. 7, 2024.

Sinabi rin ni Justice Secretary na hindi na tatakbo ang kapatid sa darating na halalan.

Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag si Jonvic at sinabi na hayaan na si Pangulong Bongbong Marcos ang mag-anunsyo.

Naging kwela si Jonvic hindi lamang sa mga taga-Cavite kundi sa maraming netizens dahil bukod sa palaging nauuna sa pag-aanunyo ng walang pasok tuwing may malakas na pag-ulan o bagyo, dahil sa nakakatawang paraan kung paano siya magdeklara ng suspensyon ng klase.