SIMULA na ngayong araw, Peb. 11, ang 90-day campaign period para sa mga tumatakbo sa pagkasenador at party-list.
Kasabay nito, nagbabala si Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia sa mga kandidato na maging masunurin sa mga alituntunin na ipaiiral ngayong campaign period upang hindi madiskwalipika.
“The Comelec will be very strict [in] enforce[ing] our regulations. We will not hesitate to file cases and disqualify a candidate … for those who violate the laws on election campaigning,” ayon kay Garcia sa isang press conference nitong Lunes.
Anya, hindi bibigyan ng leeway ang mga kandidatong makatatanggap ng three-day notice para tanggalin ang mga campaign materials na ilegal na nakabalandra sa mga pampublikong lugar.
Gayunman, wala namang otoridad ang Comelec na ipatanggal ang mga campaign materials na nakasabit sa mga private properties.