Caloy dadalhin si Chloe sa Amanpulo

HINDI sa Boracay o sa El Nido gustong magbakasyon ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose kundi sa eksklusibong resort na Amanpulo.

Sa isang panayam, sinabi ni Carlos na gusto niya ng “real vacation” mula sa ilang taong pagsasanay sa gymnastics.

“I want a real vacation,” aniya.

 “Sa Pilipinas po ba ang Amanpulo? Gusto ko rin pong marating ‘yon?”

Isa ang Amanpulo, na matatagpuan sa Palawan, sa pinaka-luxurious resorts sa bansa. Nagkakahalaga ng aabot sa P100,000 ang standard casita kada araw habang nasa mahigit P500,000 ang pinakabonggang villa. Matatandaang nag-trending ang Amanpulo ilang taon na ang nakararaan dahil sa P750 presyo ng turon doon.