C-130 nagkaaberya, 18 flights na-delay

MATAPOS magkaproblema sa system brake ang C-130 plane sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) taxiway, 18 flights ang nagka-delay, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Huwebes.

Nagkaaberya ang C-130 sa Taxiway Charlie 6 alas-9:30 ng umaga dahil sa isyu sa brake system. Lulan ng C-130 ang 37 pasahero at pitong crew na inilipat sa holding area.

Sa advisory, ala-1:26 ng hapon nahila ang nabulilyasong eroplano at nai-park sa Remote Parking Bay 24.

Mabilis din isinagawa ang mopping operations upang masiguro na ligtas ang lugar mula sa mga debri bago ideklarang pwede na muling gamitin.