PATULOY ang pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na may ipon, epekto ng patuloy na pagtaas ng inflation o pagtaas ng mga bilihin.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), may 25.6 porsyento lang ng mga households sa bansa ang merong ipon base sa October-December period, mas mababa sa 29 porsyento na naitala noong ikatlong quarter ng taon.
Ito ang lowest level na naitala mula noong ikatlong quarter ng 2021 nang mairekord ang 25.2 porsyento na households ang may savings sa panahon ng lockdown.
Nag-iipin ang pamilya para sa emergency, medical expenses, education, retirement, business capital at housing.
Gayunman, dahil sa matinding epekto ng inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, marami sa Filipino households ang nahihirapan makapagtabi ng pera.