Brand-new car regalo ni Sofia Pablo sa sarili

NIREGALUHAN ni Kapuso actress Sofia Pablo ang sarili ng bagong kotse sa kanyang 18th birthday.
Sa Instagram, nag-post ng larawan si Sofia habang nasa tabi ng puting sasakyan na may malaking red ribbon.


“Passenger princess era almost over. Happy birthday indeed,” aniya sa caption.


Binati naman ng kaniyang ka-love team na si Allen Ansay si Sofia sa kanyang bagong sasakyan.
“Congrats Aki,” sabi ng aktor.