Boss Toyo may nakakakiliting biro ukol kay Diana Zubiri

KINAALIWAN ng mga netizen ang pahayag ng social media personality na ni Boss Toyo tungkol sa dating sexy star na si Diana Zubiri.

Sa “Unang Hirit” ay naging panauhin si Boss Toyo, na naging tanyag sa kanyang YouTube vlog na “Pinoy Pawnstars.”

Sa nasabing morning show, isa sa mga ipinakita kay Boss Toyo ang mga damit ng Sang’gre sa hit Kapuso serye na “Encantandia.”

Kabilang dito ang costume na isinuot ni Diana.

“Si Diana, sobrang idol ko ‘to nung kabataan ko. Tumangkad ako dito,” chika ni Boss Toyo.

Prinesyuhan ni Boss Toyo ng P400,000 ang costume na sinuot ni Diana.

Pero kung si Diana raw ang personal na magbenta sa kanya ng costume ay gagawin niya itong P500,000.

“Sasagad ko po kapag nakita ko si idol Diana Zubiri. Sobrang idol ko ‘yan!” sambit niya.