Bodega ng paputok sumabog; 5 todas

PATAY ang lima katao at 20 ang sugatan nang sumabog ang bodega ng mga paputok sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat, ilan sa mga nasawi ay menor de edad.

Ilang bata rin ang nasugatan dahil sa pangyayari, ayon sa Zamboanga City Police Office.

Ginagamot na ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan sa siyudad. Nagresulta sa sunog ang pagsabog bagaman agad din itong naapula.

Dahil sa lakas ng pagsabog, ilang bahay at estabilisimento ang napinsala.

Ipinag-utos na ni Police Regional Office-9 director Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding na imbestigahan ang pangyayari. Tiniyak naman ni Mayor John Dalipe na mabibigyan ng ayuda ang mga pamilya ng nasawi at mga nasugatan.