HINDI na kailangang paulit-ulit na kumuha ng mga mahahalagang dokumento para gamitin sa anumang transaksyon dahil lifetime na ang magiging validity ng birth certificate, marriage certificate at death certificate.
Ito ay matapos mag-lapse into law ang RepubIic Act 11909 na nagsasabatas na hindi na kailangang kumuha nang paulit-ulit na mga documento ang mga Pinoy kahit pa ito inisyu lamang ng lokal na civil registrar, ng National Statistics Office at maging ng mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, tanging nga dokumento lamang mula sa Philippine Statistics Administration (PSA) ang tinatanggap na opisyal na dokumento.