SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng walang trabaho ngayong Abril matapos makapagtala ng 4.5 porsiyentong unemployment rate o katumbas ng 2.26 milyon.
Idinagdag ng PSA na mas mababa ito ng 506,200 kumpara sa bilang ng walang trabaho noong Abril 2022 na nasa 5.7 porsiyento o 2.76 milyon.
Tumaas ang bilang ng may trabaho sa 95.5 porsiyento o 48.06 milyon kumpara sa 45.63 milyon sa kahalintulad na panahon noong Abril 2022. Umabot naman sa 6.20 milyon o 12.9 porsiyento ang underemployment.