BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4.7 porsiyento ang unemployment rate sa bansa nitong Marso mula sa 4.8 porsiyento na naitala naman noong Pebrero.
Nangangahulugan may 2.42 milyong Pinoy ng 51 milyong Pilipino na nasa labor force ang walang trabaho ngayon, ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa.
Umabot naman sa 11.2 percent and underemployment rate, mas mababa rin sa naitala noong Pebrero na 12.9 porsiyento. Ito na umano ang pinakamababang nairekord na underemployment simula noong 2005.