UMAKYAT sa 39 porsiyento ang bilang ng pamilyang Pinoy na ikinukonsidera ang mga sarili bilang “food poor” o kinakapos sa pagkain, ayon sa Social Weather Station.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Marso 26 hanggang 29, 35 porsiyento ang nasa bordeline food-poor at 26 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay hindi food-poor.
Kumpara noong Disyembre 2022, mas mataas ang mga pamilyang nakaranas ng kagutuman na naitala sa 34 porsiyento.
Hindi naman halos gumalaw ang mga borderline food-poor family mula sa dating 38 porsiyento at hindi rin halos gumalaw ang mga na not food-poor family mula sa dating 28 porsiyento. Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.