NAGBABALA ang isang agricultural group na posibleng tumaas ng P4 hanggang P5 ang kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa sa harap naman ng kabiguan ng pamahalaan na maibigay ang tinatayang P10,000 subsidy para sa mga magsasaka.
Sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) executive director Jayson Cainglet na hindi pa rin naibibigay ang tulong pinansiyal sa mga magsasaka sa kabila na patapos na ang ginagawang pagtatanim.
“Patapos na ang production ngayon, dapat nga yung para sa fertilizer naibigay na. Nasa third stage na ang production, dapat budburan mo na ng abono para maganda ang production mo. We are wondering bakit ayaw i-release ng DA, yung pera na dapat sa farmers, dapat wag pahipan,” sabi ni Cainglet.
Idinagdag niya na kasama sa hindi pa naibibigay ay ang P5,000 ayuda sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) para maibsan ang epekto ng Rice Tariffication Law in 2019.
Sinabi niya na hindi pa rin naibibigay ang fertilizer subsidy na naglalaro sa pagitan ng p1,200 at P2,200 at fuel subsidy na P3,000.