MALAKING oil price hike ang naghihintay sa mga motorista sa Martes Santo, Marso 26.
Ito ay matapos mag-abiso ang mga oil companies na magtataas ng hanggang P2.20 kada litro sa presyo ng gasolina habang P1.40 at P1.30 naman kada litro sa presyo ng diesel at kerosene.
Ayon sa Pilipinas Shell at Seaoil, ipatutupad ang malakihang oil price hike alas-6 ng umaga habang ang Cleanfuel naman ay magpapatupad ng dagdag presyo alas 4:01 ng hapon.
Noong isang linggo, nagtaas din sa presyo ng gasolina ng 10 sentimo kada litro habang nagbaba naman ng 10 sentimo kada litro sa presyo ng diesel.
Ito ang ikalawang linggong magkasunod na nagtaas ang presyo ng gasolina.