DOUBLE digit ang ibinaba ng approval rating ni Pangulong Bongbong Marcos, ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Setyembre.
Mula sa 80 percent approval rating na nakuha ni Marcos noong Hunyo, o isang taon matapos siyang maluklok sa Malacanang, bumagsak ito sa 65 percent.
Maging ang kanyang trust rating ay bumaba rin mula sa dating 85 ay 71 percent na lamang.
Bumaba ang rating ng pangulo sa lahat ng rehiyon, ayon sa survey na ginawa noong Setyembre 10 hanggang 15.
Paliwanag ng Pulse Asia na may kinalaman ang deliberasyon ng 2024 national buget sa Kongreso at ang implementasyon ng price cap sa bigas ang ilan lang sa dahilan kung bakit bumaba ang rating ng pangulo.