KINONDENA ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kasabay Ang pangakong gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para mapanagot ang nasa likod ng asasinasyon.
“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” sabi ni MarcOs.
“The investigation into this murder is developing rapidly. We have received much information and now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,” dagdag ni Marcos.
Base sa inisyal na ulat, nakikipag-usap si Degamo sa ilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa harap ng kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Pamplona nang nilusob ng mga armadong kalalakihan ang kanyang lugar at saka sila pinaputukan.
Maliban kay Degamo, limang iba pa ang nasawi sa pag-atake habang ilang iba pa ang nasugatan.