HINIKAYAT ni Pangulong Bongbong Marcos ang buong bansa na magnilay-nilay ngayong Linggo ng Pagkabuhay na siyang nagbibigay sa lahat ng oportunidad para magkabago at maka-recover.
“May this day be an opportunity for us to pause and give thanks for the opportunity for renewal and recovery as we push through our quest for genuine unity and progress for all,” ayon kay Marcos sa kanyang Easter message.
Sinabi pa ni Marcos na ang muling pagkabuhay ni Kristo “not only affirms our deepest faith but also signifies a new birth for all the faithful to walk in the new way of life and be granted eternal salvation.”
“Easter teaches us that, as long as we live our life in Christ, love and hope will remain ever so boundless and will be the cornerstones for the positive transformation of our society.”
Simula nitong Huwebes Santo, maraming mga establisimyento ang nagsara ng kanilang mga tanggapan bilang bahagi ng kanilang pangingilin sa Mahal na Araw.