NIYANIG ng magnitude 6.3 na lindol ang Batangas, habang naramdaman naman din ito ng maraming lugar sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila, Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon kay Phivolcs officer in charge Teresito Bacolcol, ang lindol ay bunsod ng paggalaw ng Manila trench.
Tectonic ang origin nito na tumama 15 kiometro ng hilaga-kanluran ng Calatagan, Batangas, alas 10:19 ng umaga.
May lalim ito ng 119 kilometro. Hindi naman inaasahan na magdudulot ito ng tsunami.
Naramdaman ang Intensity IV sa Manila City; Mandaluyong City; Quezon City; Valenzuela City; City of Malolos in Bulacan; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, and Talisay, sa Batangas; City of Dasmariñas, Tagaytay City sa Cavite; at Tanay sa Rizal.
Naiulat naman ang Intensity III sa Pateros; Las Piñas; Makati City; Marikina City; Parañaque City; Pasig City; Obando, Bulacan; Laurel, Batangas; Bacoor at Imus City sa Cavite; San Pablo City at San Pedro City sa Laguna; San Mateo, Rizal.
Naramdaman ang Intensity II sa Caloocan City; San Juan City; Muntinlupa City; San Fernando, La Union; Alaminos, at Bolinao, Pangasinan; Santa Maria, Bulacan; Bamban, Tarlac, habang Intensity 1 ang naramdaman sa San Jose Del Monte, Bulacan.