Bahay ni Ninong Ry lubog sa baha

KABILANG ang food vlogger na si Ninong Ry sa libo-libong biktima ng walang-tigil na ulan bunsod habagat na pinalakas pa ng bagyong Carina.

Sa kanyang Facebook page, shinare ni Ninong Ry ang ilang photos at video na kuha sa kanyang binahang bahay.

Makikita na lubog sa tubig ang kanyang kusina at work station.

“Balita ko di na kayo binabaha sa Malabon ah? Kami na tiga Malabon,” ani Ninong Ry sa caption.

Sa isang reel ng food content creator ay makikita naman na hanggang bewang na ang baha sa kanilang lugar.