INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na naging super typhoon na ang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ng PAGASA na namataan ang super typhoon na may international name na Mawar 2,285 kilometro silangan ng Visayas na may lakas na hangin na 185 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 230 km/h. Kumikilos ito na pahilaga sa bilis na 15 km/h.
Inaasahang papasok ito sa bansa sa Biyernes o Sabado at tatawaging ‘Betty.’