After 12 years, Coco at Julia umamin na

SA wakas ay umamin na rin sina Coco Martin at Julia Montes na matagal na silang magkarelasyon. Sa katunayan nga, 12 years na silang nagsasama.

“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati,” ayon kay Coco sa panayam ng TV Patrol Martes ng gabi.

“Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ang privacy sa buhay namin,” dagdag pa ng bida ng FPJ’s Batang Quiapo na araw-araw rin na napapanood sa telebisyon.

Ayon pa sa aktor, kung ano umano ang nakikita ng publiko sa kanila ay yun umano ang real score sa pagitan nila ng kasintahang si Julia.

Tahimik anya ang kanilang buhay at nabibigyan proteksyon ang pribado nilang buhay.

“Mas masarap ‘yung pakiramdam na pribado ang buhay namin, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami,” chika pa ni Coco.

Pahayag naman ni Julia ay masaya siya sa piling ng aktor, lalo pa’t ang sentro anya ng kanilang relasyon ay ang Dios.

“Kung ano ‘yung position namin ngayon, sobrang blessed lang talaga kami. And never nawala sa center si God so hindi nawawala ang mga good stuff. Si God talaga ang center,” dagdag pa ng aktres.