LALO pang naging mas malamig ang Baguio City ngayong araw, Enero 27, 2024, matapos bumaba ang temperatuta nito sa 9.8 degree Celsius.
Ang mas malamig na temperatura ay dulot ng Amihan o ang northeast monsoon o malamig na hangin na nagmumula sa northeast.
Naitala ang pinakamababang temperatura ngayong taon alas 8 ng umaga, ayon sa PAGASA.
Malaki ang naging pagbaba ng temperatura kumpara sa naitala nitong Biyernes, na ang pinakamataas ay umabot sa 22.0 degree Celsius.
Inaasahan na mas malamig ang klima sa higit na matataas na lugar kesa sa Baguio City, gaya ng Atok at Tublay, Benguet.