Baguio gininaw sa 14.6°C

BUMABA sa 14.6 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City ngayong Lunes bunsod ng northeast monsoon o hanging amihan na patuloy na nakakaapekto sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, magtutuloy-tuloy ang epekto ng amihan na magdudulot ng malamig na klima hanggang Pebrero.

Noong isang linggo, naitala ang 15.6 degrees Celsius sa summer capital.

Samantala, gininaw din ang Tanay, Rizal matapos itong magtala ng 19.0 degrees Celsius habang 19.2 degrees Celsius naman sa Aurora.

Naitala rin ng Pagasa ang 10 lugar na nakadama ng malamig na panahon, ang mga ito ay ang sumusunod: Itbayat, Batanes (19.5 degrees); Malaybalay, Bukidnon (19.8 degrees); Abucay, Bataan (20.2 degrees); Tuguegarao City, Cagayan (20.2 degrees);  Calayan, Cagayan (20.7 degrees); Laoag City, Ilocos Norte (20.8 degrees) at Baler, Aurora (21 degrees).

Samantala, ang temperatura naman sa Metro Manila ay nasa pagitan ng 25 at 31 degrees Celsius.