Bagets lumundag sa footbridge

MALUBHA ang lagay ng 18-anyos na lalaki tumalon mula sa footbridge sa Brgy. Old Balara, Quezon City kamakailan.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo sa ulo at katawan ang biktima, isang out of school youth, na ginagamot sa Diliman Doctors Hospital.

Ayon sa ulat ng pulisya, lumundag ang binatilyo mula sa Luzon Footbridge sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara alas-8:30 ng gabi Miyerkules.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang nagtulak sa biktima para magpatiwakal.