NAG-ALOK ng P25,000 na reward si partylist Rep. Ducielle Marie Cardema sa sino man ang makakapagturo ng mga magulang ng isang sanggol na iniwan sa daan malapit sa Batasan sa Quezon City.
Sa isang kalatas sinabi ni Cardema na handa siyang magbigay ng pabuya para matunton ang mga inilarawan niyang mga “iresponsableng magulang” ng sanggol.
“Walang kwentang magulang, ubod ng iresponsable, walang pakialam kung mamatay ang sanggol sa kagat ng mga langgam o ng daga,” ayon kay Cardema matapos makita ang larawan ng sanggol na walang saplot at inilagay sa isang kahon at basta na lamang iniwan sa kalsada.
“Walang awang mga magulang! We are offering P 25,000 to anybody here in Brgy Batasan & in Quezon City who can locate the irresponsible parents of the new-born baby. And we will also file a measure penalizing such irresponsible parents in our country,” pahayag nito.
Kuha ni Princess Priolo ang mga larawan na nagtrending sa social media.