DINAGSA ang main office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batasan, Quezon City Sabado ng umaga ng mga magulang at estudyante na gustong makakuha ng educational assistance.
Batay sa ulat, may ilang mag-aaral na pumila na ng tanghali pa lamang Biyernes ng hapon kahapon at gabi para maunang makapag-aplay ng ayuda mula sa DSWD.
Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na tatagal naman ang pamimigay ng ayuda hanggang Setyembre 24, 2022.
Umabotw lamang sa 2,000 ang pinapasok sa loob ng gate ng DSWD, bagamat libo-libo ang pumunta para makakuha ng ayuda.
Sa ilalim ng educational assistance ng DSWD, makatatanggap ng P1,000 ang mga estudyante sa elementary, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school at P4,000 para sa kolehiyo.