DINAKILA bilang kauna-unahang Catholic international shrine sa Pilipinas at Southeast Asia, at ika-11 sa buong mundo ang Antipolo Cathedral.
Pormal na idineklara bilang international shrine ang 450-taong katedral, kung saan nakalagak ang imahe ng Lady of Peace and Good Voyage, sa isang misa na pinangunahan ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown nitong Biyernes.
Kabilang sa dumalo sa misa si First Lady Liza Marcos Araneta-Marcos at mga lokal na opisyal.
“Felt good to be one of the witnesses as the vatican elevated our Antipolo Cathedral to the status of Marian ‘international shrine’,” sambit ng First Lady.