Angeline ipaglalaban habambuhay ang mister

IPINAGTANGGOL ng singer na si Angeline Quinto ang mister na si Nonrev Daquina sa mga ibinabatong masasakit na salita rito ng netizens.

Sa Instagram, shinare ni Angge ang mga photos ni Nonrev kasama siya at ang kanilang anak na si Sylvio.

Caption ni Angeline: “Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin, Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, nung panahong kailangan na kailangan kita.

“Nung panahong ayaw ko ng kumanta at magtrabaho dahil sa pag kawala ng Mama. Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko. At ang pag dating ni Sylvio ang nagbago ng buhay ko.

“Para saiyo ang awiting sinulat ko, kasama ni Sir @jonathanmanalo natapos namin ang kanta bago ang kasal natin kaya ito rin ang ginamit para sa bridal march ko last month.

“Nonrev, habang buhay kitang ipaglalaban. SALAMAT IKA’Y DUMATING.”