NA-MASTER na raw ng aktres na si Andrea Brillantes ang “art of dedma” kaya walang epekto sa kanya ang mga bashers.
“Hindi po kasi ako nagpapakain sa social media. I’m really grounded naman sa real world. I know it’s easier said than done,” sey ni Andrea sa isang panayam.
“I think kapag natutunan mo lang ma-appreciate ‘yung life itself, na life is more than just social media, phone, comments, and people na hindi mo naman kilala na nagko-comment sa life mo, kailangan hindi ka into it masyado,” dugtong niya.
So, paano niya hina-handle ang hate na natatanggap niya?
“There’s so many ways. Tingnan mo lang kung gaano kaganda ‘yung mundong binigay sa atin, mundong ginawang to.
“Social media kasi you can easily turn off the phone and read a book, meet your friend, reconnecting with nature, doing (chores) sa house, meeting your friends hindi lang through phone.
“Alam kong masakit siya and it’s easier said than done pero kailangan mo lang talagang hindi magpaapekto and ma-appreciate mo ‘yung life,” sey pa ng Kapamilya actress.