Anak ni Pacman tatakbong konsehal

NANGUNGUNA ang pangalan ni Michael Pacquiao, anak ni dating senador Manny Pacquiao, sa listahan ng mga tatakbong konsehal sa General Santos City sa susunod na taon.

Kabilang si Michael sa slate ng partidong People’s Champ Movement (PCM), na pinamumunuan ng ama.

Tatakbo si Michael, 22, kasama ang tiyahin na si Mayor Lorelei Pacquiao, asawa ng nakababatang kapatid ni Manny na si Alberto, na umaasam ng ikalawang termino.

Nakatakdang maghain ng certificate of candidacy ang partido sa Sabado, Oktubre 5.