Ama ni Carlos Yulo tinawag na idol si Nesthy Petecio; pasaring ba ito sa anak?

MGA pasaring nga ba sa anak na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang mga bagong post sa social media ng ama na si Mark Andrew Yulo?

Ito ang tanong ng publiko makaraang i-share ng matandang Yulo ang isang post kaugnay sa kahalagahan ng mga magulang.

Bahagi ng nasabing post: “Ang ina ay walang katumbas na halaga. Ang ama ay hindi mapapalitan ng panahon.”

Kasabay nito ay shinare ni G. Yulo ang isang ulat tungkol sa ginawang pagtulong ni Paris Olympics bronze medalist Nesthy Petecio sa pamilya.

“Idol,” caption ni Mark Andrew.