Ama may paalala kay Carlos Yulo

NAG-POST sa Facebook si Mark Andrew Yulo ng isang tila paalala sa anak na si double Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Ibinahagi ni G. Yulo ang isang video mula sa content creator na si Hopper the Explorer ukol sa “pagmamahal at pagkalinga ang kailangan [ng mga magulang] hindi ang materyal na bagay.

Sa voice over, sinabi ni Hopper the Explorer na, “Hanggang may nanay kayo mahalin n’yo kasi pag wala na maaala ninyo rin. Napakahirap sa isang ina na pagkatapos kang palakihin, hindi mo na-appreciate ‘yung pagpupuyat niya. Noong bata ka pa pinapadede ka, tinuruan kang lumakad, tinuturuan ka ng lahat ng bagay, kapag may sakit ka, binabantayan ka. Pagkatapos nun dinadabugan pa ng anak. Hindi appreciated ng anak ang ginagawa ng ina.”