PINAGTRIPAN ng publiko ang naiulat na pagpuslit ng bansa ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Biro ng mga netizens, nasa Shenzhen sorting center sa China na si Guo.
Sa Shenzhen matatagpuan ang YHT International Mail Exchange and Logistics Center kung saan ibinabagsak at sino-sort ang mga online orders bago ipadala sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.
May lawak ito na 1.4 million square meters o kasing laki ng 200 football fields.
Bago ito, inanunsyo ni Sen. Risa Hontiveros na nasa China na si Guo makaraang lumipad pa-Malaysia.
Sa kabila ng pagiging seryosong usapin ng tila pagtakas ni Guo ng Pilipinas, hindi naman napigilan ang ilang Pinoy na gawin itong katatawan.
Sey nila: “Alice Guo has arrived at Shenzhen Sorting Center.” “
JUST IN: Alice Guo has arrived at Shenzhen Sorting Center.”
“Return to seller na ba to?”
“Nasa Shenzhen Sorting Center lang yun. Siya na pumick up ng parcel niya.”
“Baka naman naka bubble wrap na si mayor alice go, atty, kaya di nacheck ng immigration.”