Alice Guo inilipat na sa Pasig City jail

NAILIPAT na ang sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa Pasig City jail Lunes ng umaga.

Ito ay base sa inisyung warrant of arrest laban kay Guo ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 kaugnay sa kasong qualified trafficking.

Mula sa PNP Custodial Center, ibiniyahe patungong Pasig City jail si Guo alas 8:50 ng umaga. Nakarating ito sa city jail makalipas ang isang oras.

Itinakda ng korte ang arraignment ni Guo sa Set. 27, sa pamamagitan ng video conferencing.

Si Guo ang itinuturong isa sa mga mastermind ng mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), isa na rito ay ang pagkakaugnay niya sa illegal gambling hub kung saan isa siya sa nagmamay-ari ng real estate firm na inuupahan ng POGO hub sa Bamban.