Alice Guo darating sa bansa ngayong Huwebes

INAASAHANG darating sa bansa anumang oras ngayong Huwebes sakay ng isang chartered plane ang dinismis na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, ayon kay Senador Raffy Tulfo.

Kasamang darating ni Guo mula sa Indonesia, si Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil.

“Inaasahang darating sa Pilipinas mula Jakarta, Indonesia mamayang 6:18 PM si dismissed Bamban Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sakay ng chartered flight RP-C6188,” ayon kay Tulfo.

“Aalis sila ng Indonesia bandang ala una ng hapon,” dagdag pa niya.

Dala ni Abalos ang arrest warrant na inisyu ng Senado laban kay Guo.