Alice Guo bumiyahe pa-Tarlac, haharap sa korte

LUMABAS ng PNP Custodial Center at bumiyape papuntang Tarlac ang sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo, para humarap sa korte kung saan may nakabinbin siyang kaso.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, alas-9:40 ng umaga ng bumiyahe si Guo habang inieskortan ng mga miyembro ng PNP Headquarters Support Service para i-present sa Tarlac Regional Trial Court Branch 109 na siyang nag-isyu ng arrest warrant laban sa dating alkalde dahil sa kasong graft.

“As a matter of procedure po, dadalhin po siya kay Judge para ipakita po na siya ay naaresto at mag aantay po tayo ng desisyon ng korte kung maglalabas po ito ng commitment order para siya po ay i-commit sa ibang detention facility,” pahayag ni Fajardo.