Alice Guo balak nang sumuko sa Senado

PINAG-iisipan na ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isuko ang kanyang sarili sa Senado, ayon sa kanyang abogadong si Stephen David.

Sa panayam sa Radyo 630 nitong Lunes, sinabi ni David na nakausap niya ang kanyang kliyente nitong Linggo at pinayuhan na hindi niya maaaring takasan ang arrest warrant na inisyu laban sa kanya.

Sinabihan anya niya si Guo na hindi siya maaaring magtago nang habambuhay, at ang pag-aresto anya sa kanya ay hindi para siya parusahan kundi para lang humarap siya sa susunod na pagdinig.

Ang inaalala lang anya ni Guo ay ang trauma na dinanas niya sa pagdnig at sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Ang sabi niya anya ay lalo lamang siyang nalilito at nato-trauma. Natatakot anya siya dahil maraming tao ang nagbabanta sa kanya.

“So she is worried about her security and what could happen if she is imprisoned,” pahayag pa ni David.