Alagang aso kinatay, inihanda sa party

NAHAHARAP sa reklamo ang isang residente ng Baguio City na pinatay ang alagang aso para ihanda sa graduation party kamakailan.

Nakunan ng video ang lalaki na ginigilitan ang aso bago ito kinatay at niluto.

Nakilala na ang suspek na nakatakda nang sampahan ng paglabag sa Animal Welfare Act.

Ayon sa kumuha ng video, nanlumo siya matapos makita ang ginagawang pagkatay ng lalaki sa aso.

Agad namang isinumbong ng saksi sa animal rights group na Biyaya Animal Care ang insidente.

Napag-alaman ng Biyaya Animal Care na kinatay ang aso para sa graduation party ng isang pamilya sa lugar.

Posibleng maharap ang lalaki sa dalawang taon na pagkabilanggo at multang nasa P100,000 kapag napatunayang nagkasala.