NGAYON na halos normal na ang paggulong ng ekonomiya, sinabi ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na lumala naman ang air pollution sa Metro Manila.
Ayon kay DENR Environmental Management Bureau (EMB) Director William Cuñado na na lahat ng lugar sa National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng green color o good air quality matapos 90 porsiyento ng 350,000 sasakyan ang hindi pinayagang makabiyahe noong kasagsagan ng lockdown.
Pero mula sa green color, ngayon ay may mga lugar sa Kamaynilaan ang yellow o orange color na.
Ibig sabihin, paliwanag ng opisyal, ang yellow color ay fair air quality, habang ang orange naman ay ‘unhealthy for sensitive groups’.
“Unhealthy for sensitive groups means people with respiratory condition like those with asthma. The air pollution could aggravate their ailments,” dagdag Cuñado.
Idinagdag ni Cuñado, mataas ang air pollution tuwing peak hours o mula alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.