ACT-Teachers pumalag sa pahayag ni Diokno: Pamimigay ng ayuda sayang lang

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno matapos sabihin ng huli na pagsasayang ng pondo ang pamimigay ng ayuda sa mga mahihirap.

“Porke ba pwede na lumabas ang mga tao, wala nang responsibilidad ang gobyerno na bigyan ng tulong ang mamamayan na hindi pa rin nakakarecover mula sa palpak na tugon ng gobyerno sa pandemya sa nakalipas na dalawang taon?” sabi ni Castro.

Ito’y matapos sabihin ni Diokno sa deliberasyon ng Kamara ng panukalang 2023 budget na paglulustay ng pondo ang pagbibigay ng tulong sa pagsasabing nakabawi na ang mga tao mula sa pandemya. 

“Ang pagsasabi niya ngayong ‘waste of public funds’ ang pamimigay ng ayuda sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ay hindi nalalayo noong 2016 at DBM Secretary siya nang sinabihan niya ang mga guro na ‘todo ambisyon’ para humiling ng nakabubuhay na dagdag sahod,” dagdag ni Castro.