INATASAN ni Interior Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga local na pamahalaan na tiyakin ang ligtas ang paggunita ng Semana Santa 2023.
“Sa pangunguna ng PNP ay paiigtingin natin ang police visibility sa buong bansa, lalong-lalo na sa mga identified areas of convergence tulad ng malalaking simbahan, pilgrim sites, terminal, pantalahan, at paliparan pati na rin sa mga mall at iba pang pasyalan upang matiyak na mababantayan at mapananatili ang kaligtasan ng publiko,” sabi ni Abalos.
Idinagdag ni Abalos na nakahanda rin ang BFP na rumesponde sa anumang emergency, particular ang mga sunod.
“Pinaalalahanan din ang mga biyahero na siguraduhing walang nakasaksak na appliance bago umalis ng bahay upang makaiwas sa sunog,” dagdag ni Abalos. Nauna nang idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang Abril 10 bilang regular holiday bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan na tumapat ng Linggo.
Holiday din ang Abril 6, Maundy Thursday at Abril 7, Good Friday bilang regular holiday.