NASA 94 porsyento ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) ang naka full face-to-face classes simula ngayong Miyerkules.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa opisyal nagbalik sa eskwela ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa NCR matapos ang mahabang All Saints’ Day weekend.
“Sa ngayon po, maayos naman po ang resumption ng ating classes so far. Naghihintay rin po kami ng feedback from our regional directors, para po kung may challenges encountered man ay matugunan agad,” ani Poa.
Nitong Martes, inamin ng DepEd na may kakulangan pa rin sa mga silid-aralan at guro sa ilang pampublikong paaralan, ngunit sinabing magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na in-person classes.