9 ATAT MAGPABAKUNA, DAKIP SA PAMEMEKE NG MED CERT

INARESTO ng pulisya ang siyam na indibidwal, anim dito ay mga Chinese, matapos mameke ng dokumento para mabakunahan kontra Covid-19 sa isinagawang vaccination sa Sergio Osmena High School sa Tondo, Maynila Linggo ng umaga.

Pineke umano ng siyam ang kanilang mga medical certificates para maunang maturukan ng Sinovac.

Dinala ang siyam sa himpilan ng pulisya para maimbestigahan. Sa nasabing paaralan din nagpabakuna si Manila Mayor Isko Moreno.

Kinilala ang anim na Chinese na nameke ng mga dokumento na sina Shi Jialing, 34; Dong Ciay, 48; Manuel Chan, 49; Jessebelle Ong, 43; Hong hong Yi; Hing Yuen Wong; Aune Loresto, 19; Jolina Deonila, 19; Deolita Solieta, 27.

Larawan mula sa Sunstar