WALONG barangay sa Caloocan City ang isinailalim sa granular lockdown, isa rito ay inilagay sa total lockdown bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.
Ang mga lugar na inilagay sa granular lockdown simula nitong Linggo, September 5 at magtatapos sa September 11 ay ang mga sumusunod: Barangay 157, ilang lugar sa barangay 176, 177, 123, 179, 89 at 141 habang ang barangay 7 ay inilagay sa total lockdown.
Naniniwala si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na ang pagpapatupad ng granular at total lockdown ay para makontrol ang pagkalat ng virus sa mga lugar na ngayon ay mataas ang bilang ng mga bagong kaso.