7 NPA patay sa enkwentro sa Nueva Ecija

PITONG miyembro ng New People’s Army ang nasawi matapos ang enkwentro sa mga sundalo Miyerkules ng hapon sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, nakasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army 84th Infantry Battalion ang mga rebelde na miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng NPA sa barangay Malbang.

Narekober mula sa insidente ang tatlong M14 rifle, anim na M16 rifle, at ilan pang mga personal na gamit.

Ang nangyaring sagupaan ay resulta ng nakaraang bakbakan nitong Hunyo 20 sa remote area ng Sitio Marikit East, Barangay Abuyo, Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Hindi pa nakikilala ang pitong nasawing rebelde.