FLINEX ng isang guro mula Koronadal City, South Cotabato na nagtapos sa Junior High School sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS ng Department of Education (DepEd) ang kanyang 67-anyos na ina na naging estudyante niya.
Sa Facebook, ibinahagi ni Wilfred Branairos Malinog ang mga larawan na kuha sa moving up ceremony na dinaluhan ng kanyang mommy Dominga.
“NANAY KO, ESTUDYANTE KO!” caption ni Wilfred.
“Congratulations mudrabels, ALS Graduate @ the age of 67. May purpose gid ang Ginoo kung ngaa gintransfer ako sa ALS,” dagdag niya.
Sinaluduhan naman ng netizens ang mag-inang Wilfredo at Dominga.
“Halaaa aaay. Kanami. Congrats maam.”
“Congratulations mother dear.. model ka gud sang anak mo.”
“Wow..inspiration gid sang tanan..Both son and mom!”
“Congratulations kay nanay mo sir kag sa imo..sweetest achievement gd na as a teacher.”