UMAASA ang 65 porsyento ng mga Pinoy ng masayang Pasko, samantalang 8 porsyento naman ang nagsabi na magiging malungkot ito at 22 porsyento ang naniniwalang hindi ito magiging masaya o malungkot.
Ginawa ang survey bago pa tumama ang bagyong Odette sa sumalanta sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao.
Base sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 11 hanggang 16, mas mataas ito ng 15 porsyento kumpara sa 50 porsyento noong 2020.
Bumaba rin ang mga Pinoy na naniniwalang magiging malungkot ang Pasko ng pitong porsyento mula sa 15 porsyento noong 2020.
Bago magkaroon ng pandemya o noong 2019, umabot sa 79 porsyento ang mga naniniwalang magiging masaya ang kanilang Pasko.