SINABAK sa pwesto ang anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa harap ng imbestigasyon kaugnay ng smuggling ng asukal sa Subic.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na kabilang sa mga inilipat sa Office of the Commissioner ay sina Maritess Theodossis Martin, district collector; Maita Sering Acevedo, deputy collector for assessment; Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes, deputy collector for operations; Belinda Fernando Lim, chief of assessment division; Vincent Mark Solamin Malasmas, Enforcement Security Service (ESS) commander; at Justice Roman Silvoza Geli, CIIS supervisor.
Ito’y kaugnay ng nasabat na 7,000 metric tons ng asukal o 140,00 bag ng imported na asukal mula sa Thailand na nagkakahalaga ng P45.6 milyon.
Tiniyak ni Angeles na tuloy ang ginagawang aksyon laban sa mga opisyal na mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga smuggler para makapagpasok ng smuggled na asukal.