5 rehiyon sa bansa apektado ng ASF

LIMANG rehiyon sa bansa ang ngayon ay apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Department of Agriculture.

Sa isang press conference, sinabi ni DA Bureau of Animal Industry (BAI) Assistant Director Dr. Jonathan Sabiniano na kabilang sa mga apektado ng outbreak ng ASF ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 3, 8, 9 and 12.

“As of August 4, 2022, from 14 regions, only five regions are now affected by the African Swine Fever,” ayon kay Sabiniano.

Tiniyak ni Sabiniano na patuloy ang hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

“We are succeeding in controlling the spread as the repopulation program is ongoing,” sabi ni Sabiniano.

Hinimok din ni Sabiniano ang mga magbababoy na ipasok sa insurance program ang mga alaga para mabayaran sakaling tamaan ng ASF.