Ice Seguerra: Buhay pa po ako

MAKARAANG mataranta ang publiko sa black and white photo ni Ice Seguerra na ipinost sa Instagram, klinaro ng singer na buhay pa siya.

Sa Facebook, ni-repost ni Ice ang nasabing larawan.

“Kalma lang kayo guys. Ako lang ‘to. At buhay pa ako,” aniya.

Nag-viral ang nasabing larawan makaraan itong i-post ni Ice sa Instagram noong August 11.

Maraming followers naman ang agad na nag-react sa photo.

“Ang hirap pala mag post ng black and white photo sa IG. May phobia na mga tao,” sabi ni Ice.